Tuesday, May 7, 2013

met gala ganap; PUNK! chaos to couture

shucks, hinde na naman ako naka-attend sa met gala this year, as if naman invited ako. bet ko mas madami talaga nag-aabang sa met gala kesa sa red carpet ng nga award giving body. this year ang theme ng met gala is PUNK! chaos to couture. so ibig sabihin nito madami na naman ang magpapa-andar ma-achieve lang ang punk na look. in met gala kasi kahit anong gusto mo ipa-andar ay pwede as long keri mo unlike sa mga red carpet dapat sweet lang ang peg mo. kaya naman share ko sa inyo mga top picks ko na mga ganap sa met gala this is in no particular order from top right to bottom left ang ganap natin ah. Sienna Miller, sweet lang ang peg ni ate in white lakas maka-virgin gown pero wag kang magkakamaling lumapitbor else matutusok ka ng spike embellished jacket ni ate.  Nicole Richie, in white embellished gown na tinernohan pa nya ng hairlaloo, kaloka nagpa-dye talaga si bakla for the met gala pero betchina ko ang lipshook ni Nicole. Amanda Seyfried, hinde ko alam kung anong punk sa very sweet na outfit ni Amanda, bias lang talaga ako dahil favorite ko sya eh. Katy Perry, in lakas maka-sto.niƱo look courtesy of dolce and gabanna, wag na kayong umapela si Katy lang ang makakapag-pull ng look nayan. Anne  Hathaway, ito talaga ang punk na super ganda in short diyosa ng mga punk ang peg ni Anne, side boob palang ni ate tapos na ang laban eh, push mo pa yan ng push ah. Miranda Kerr, anong nangyare? punk daw dapat Miranda ang daya mo dinadaan mo lagi sa ganda eh, tse! Sarah Jessica Parker is freaking Sarah Jessica Parker she's a red carpet royalty at kahit ano pang suot nya kering keri ng lola nyo, yan talaga ang version nya ng punk may kasamang head dress, ikaw talaga ang winner sa ganing yan. and last Kate Bosworth, bongga sakin si Kate, color palang ng dress nya punk na eh, yung details punk na punk nadin, yung designer na balmain punk din yun, love ko din ang total look nya the hair and the make-up hinde nag-clash sa outfit ni ate kung baga may equilibrium in short balance hahaha. madami pa akong bet sa red carpet tulad ng olsen's twins actually favorite ko lang talaga sila, ang lola Madonna nyo na best in punk talaga in givenchy and many more pero mas bet ko sila.













No comments:

Post a Comment